
Marami pa ren ang hindi bilib sa lakas at husay ni Manny Pacquiao sa boxing. Kahit nga mga Pinoy e. Mas lalo na ang mga Pinoy. Nakita lang na mas malaki, mas mabigat at mas mahaba ang braso ng kalaban e yun na agad ang iniisip nila na mananalo. Parang hindi nila napanood yung mga nakaraang laban ni Manny kung saan mas malalaki at mukhang mas malakas kesa sa kanya ang mga nakaharap nya sa ring. Pero napabagsak pa ren nya isa-isa ang mga yun. Sobrang sensational ng laban nya kay Miguel Cotto dahil ito ang pampitong weight division na nalabanan at napangibabawan nya.
Hindi naging madali itong huling laban. Umabot ng round 12, pero TKO naman ang desisyon at parang kinagat ng isang pugad ng hantik ang mukha ni Cotto. Mabuti na lang at hindi sya pikon. Tinanggap nya ang pagkatalo at ang pagiging mas magaling na boksingero ni Manny. Masaya panoorin yung laban kahit medyo matagal naghintay. Lalo na nung bumagsak ng dalawang beses si Cotto. Malakas at mabilis talaga ang mga suntok nya. Makikita dun sa mga slow motion na parang niyayanig ang mukha ni Cotto sa bawat suntok na dumadapo sa kanya.
Wala akong pakialam sa mga may ayaw kay Pacquiao. Ang mahalaga para sa akin ay nakakapagbigay sya ng karangalan para sa Pilipinas at patuloy ang pagtulong nya sa mga kababayan nating kailangan ng tulong. Down to earth pa ren sya at humble kahit na mas mayaman? na sya ngayon kesa sa ilang sikat na tao dito sa atin. Sya lang din ang tanging Pinoy na kilala ko na ilang beses na pinagkakaisa hindi lang ang isang lalawigan o bayan kundi ang buong Pilipinas, kriminal man o mga model citizens. Ewan ko lang kung ngayon e may nag-iisip pa ren na staged lang ang mga laban nya. Magaling, basta magaling, yun lang ang talagang masasabi ko.
Apir!