
Sa ganitong oras ay dapat tulog na ako bilang paghahanda sa trabaho ko mamayang gabi. Dati ay madali lang naman makatulog ng ganitong oras. Pagdating ko nga lang sa umaga e inaantok na ako agad at madali na makatulog. Pero dahil sa ngayon ay napakainit, hindi na ako umaasang makakatulog pa maghapon.
Dalawang buwan na din tayong nagdudusa sa sobrang init ng panahon. Hindi naman tayong lahat kase yung iba naman e may erkon sa bahay nila. Malas ko lang at bukas na refrigerator lamang ang pwede kong itumbas sa kanila. Yung hangin kase na binubuga ng bentilador e mainit pa din. Kelangan e pawisan ka muna bago medyo lumamig ang pakiramdam sa harap ng bentilador. Pero dahil sa mabilis kang matuyo e panandalian lang din ang ligaya.
Maligo ba kamo? Alam n’yo, kahit hindi ako mahilig maligo e napapagusto na din ako e. Dahil sobrang init. Kaya lang e madalas na wala na ding tulo ang gripo namin. Kahit nga gamitan ng makina e hindi na din makahigop. Kelangan talagang nag-iipon sa madaling araw para lang may maipaligo ako bago pumunta sa trabaho. Sa sobrang pagtitipid ko nga sa tubig, kinakailangang tatlong tae muna bago ko ibuhos ang kalahating timba sa inodoro.
Apir!