
Maliban sa mga maaarteng magtype at magtext, isa pa sa mga lubos na kinaiinisan ko yung mga taong gumagamit ng u at me sa pagtetext. Ewan ko, basta sobrang nakakairita. Isa sa mga classic examples na pinopromote pa ng smart ngayon ay ang “Wer na u?” at “D2 na me.”
Naaalala ko na nung magsimulang mauso ang text lingo na Pinas version e naglabasan na ren ang mga issues sa paggamit ng mga pinaikling salita dahil pwede daw maging bobo ang mga bata. E kahit naman matatanda e mukha talagang bobo pag gumagamit ng mga ganun. Hindi naman talaga ako tutol sa paggamit ng mga pinaikling salita para sa pagtetext dahil naiintindihan ko naman na limitado ang mga letra na pwedeng ilagay sa mga text. At isa pa, nakakatamad ren na buong salita yung ita-type mo sa keypad ng selpon. Ako ren minsan e ginagawa ko yung mga pnaiklng slta pg ngttx ako, llo n pg ngmmdli o tntmd.
Parang tanga kase pag ganun ang sinabi sayo kahit pa text lang yun. San u gus2 kumain? Sa impyerno gusto mo?! Sori, hnde me mkksama sa outing ngaun. Mabuti naman kung ganun, baka matiris lang kita! Hindi ko talaga nirereplyan kapag ganito ang istilo ng pagtetext sa akin. Burado na agad ang mensahe pag may nabasa akong ganito.
Ngayon kase hindi na ren naman talaga sa pagpapaikli ng text ang dahilan kung bakit laganap na ito.? Naging uso na ren kase, naging habit at mannerism na ng mga illiterate na Pinoy ang paggamit ng u at me bilang pamalit sa ikaw at ako. Ito na siguro yung isa sa kinatatakutan dati na pinalabas sa tv na magiging bobo sa grammar ang mga Pinoy kapag nagpatuloy pa itong text lingo na ito. Kaya kung gusto n’yong sumagot ako pag nagtex kayo, siguraduhing wag gumamit nyan. At padalhan pala muna ako ng load, k?
Apir!