Nagi-guilty ako. Kung kailan ako nagka-interes na bumoto e tsaka ko naman nalaman na hindi na ren ako makakapag-rehistro dahil katapusan na pala nung isang linggo. Sayang. Sana naextend pa.

Dati kase e wala talaga akong pakialam sa mga kumakandidato. Mahirap kase makakita ng politiko na mapapagkatiwalaan. Kumbaga, halos napapagpalit ko na dati ang salitang politiko at manloloko. Actually, sa marami pang ibang salita kagaya ng mandarambong, swapang, tiwali at mga katulad pang salita.

Natuwa ako ng husto sa mga binitawang salita ni Senator Chiz Escudero dun sa Club Filipino. Nadama ko talaga yung mga sinabi n’ya. At hinahangaan ko s’ya sa ginawa niyang pag-alis sa kanyang partido at dun sa sinabi n’yang dahilan. Sana ganun lahat mag-isip ang mga gustong kumandidato pati yung mga nasa posisyon na. Noon ko lang din lubos na naisip na kontrolado nga naman ng partido ang pagpapalakad sa bansa, at hindi sa desisyon talaga ng nakaupo sa tungkulin. Hindi talaga nabibigyan ng pansin yung pangangailangan ng bayan at hindi ren nabibigyan ng totoong hustisya at kaparusahan yung mga tiwaling opisyal na kasama sa partido. Hindi malaya ang mag-desisyon para sa bayan dahil kontrolado ng mga pinuno ng partido ang mga gagawin.

Dati ko pa nagustuhan si Senator Escudero dahil napansin ko na nagtutugma ang pagpanig namin sa iba’t-ibang issue na dumaan dito sa Pilipinas gaya na lang halimbawa nung sa JPEPA. Hindi ren s’ya mapagmalaki gaya nung ibang mga nasa posisyon at makikitang simple lang s’ya. Hindi ko nakikitang imposible na maging Presidente sya ng Pilipinas.

Kung tumuloy man sya sa pagkandidato, dasal na lang siguro ang tangi kong maibibigay na suporta sa kanya.

Apir!