
Sa pagbaba ng temperatura ngayong umaga ay ganun naman ang pagtaas ng kaba ng ilang libong mag-eexam na mga nars. Ngayong araw na ito at tsaka bukas ang board exams. Dumadagdag pa ngayon malamang sa kaba nila ang pagbuhos ng ulan at posibleng baha sa daan. Kanina lang? nung lumabas ako para bumili ng pagkain ay marami na akong nakasalubong na mga mag-eexam at kasama ang mga magulang? nila (parang greyd wan hahaha).
Hindi pa nakakaraan ang dalawang buwan matapos madagdagan ng apatnapu’t libong bagong nars ang Pilipinas ay heto at halos walumpung libo pa ang gustong dumagdag sa mga nars na walang trabaho sa ospital. Nakakapanghinayang na sa dami ng mga matatalinong bagong nars ay sobrang unti ng mga pinapalad makapasok sa ospital. At kailangan pa madalas ay meron kang kakilala na tutulong sa iyo para lang makapasok ka. Lintek kase ang gobyernong ito, inuuna pang pagusapan ang problema ng mga malilibog na artista kesa sa kapakanan ng mga kabataang nars. Sinasayang lang ang perang pwede sanang gastusin sa mas kapaki-pakinabang na gawain.
Pero dahil ngayon ay hindi panahon para pahinain ang loob ng mga kasama ko sa propesyon na ito, dinadalangin ko na lang na sana ay maging maayos ang karanasan ninyo sa pagkuha ng exam na ito. Kung hindi kayo palarin na pumasa ay mas praktikal siguro na humanap muna ng ibang trabaho dahil kahit pumasa ka naman ay ganun din siguro ang kahahantungan. Tandaan: huwag masyadong dibdibin ang pag-eexam, at siguraduhing may baong Imodium hahaha.
Apir!