Nagconcert kagabi ang Paramore dito sa Maynila. Mukhang masaya at panalong-panalo ang concert. Yung Callalily lang talaga ang panira dun. Hindi nga lang ako nakanood. Sayang, pero ayus lang din.

Kaya pagdating ko kaninang umaga e ayan na bumulaga na sa aking ang mga pictures ng mga kakilala kong pumunta dun. Tapos sa Youtube e maraming nag-upload ng mga kuha nilang videos sa nasabing concert. At bagama’t iba-iba ang mga nagsikuha ng videos ay may pagkakapareho sila. Palyado silang lahat.

Ikaw ba naman kase ang nasa gitna ng mga nagsisiksikan at magugulong tao. Tapos may hawak kang digicam at kinukunan ng video ang nasa stage. Syempre makikiindak ka na ren sa tugtugan. Pero binabantayan mo pa ren ang LCD ng digicam mo para sure na nasa focus pa ren ang mga nasa stage. Kaya 90% ng buong concert e sa digicam ka nakatingin. Sayang naman P1500 na pinambili mo ng ticket. Daig ka pa ng nanood sa TV. At least mas malaki yung screen na napapanooran nila, ikaw e sa LCD lang ng camera. Walang kwenta yung pwesto mo sa harap ng stage.

Ayus lang naman na may dala kang camera at kumuha ng videos kung sa hindi ka magulong pwesto. O kaya e kung pictures lang ang marami sa kuha mo. Hindi yung buong concert e vinideo mo para sa souvenir mo. Pero sa totoo e hindi ka naman talaga lubos na nag-enjoy kase camera mo ang inaatupag mo. Hindi sulit.

Ang masama pa nun, pag-uwi mo sa bahay e makikita mong wala ka ni isa man lang matinong video. Tapos maiinis ka lang sa sarili mo at manghihinayang na sana tiningnan mo na lang si Hayley buong gabi. Para ka lang nag-outing sa isang napakaganda at napakalawak na pool ngayong summer, pero hindi ka talaga nag-swimming. May baon kang tabo at tsaka ka nagbuhos ng nagbuhos dun sa tabi ng pool.

Apir!