Summer na summer na talaga ngayon. Grabe, ang init! Malas na lang naming mga walang erkon sa bahay. Ganun din yung mga walang erkon sa trabaho. Madalas nga e naka-sando na lang ako dito sa bahay. O kaya e nakahubad. Kahit na natutulog. Sobrang init talaga. Minsan parang nanggagaling na sa loob ng katawan tapos hindi pa makalabas dahil sa suot na damit. Habang tumatagal e nakakainit na din ng ulo at mas mabilis akong mayamot sa kung anu-anong bagay.

Masarap sana maligo sa pool o sa beach kaya lang e wala ren akong kasama. Hindi ko alam kung saan meron dito sa Manila. Nung dati e sa Bulacan ako pumunta kasama mga barkada ko. Pero malamang e punong-puno na ren ng tao ang mga resorts ngayon. Lahat e gusto na maligo. Balak ko ngang umuwi sa probinsya namin sa Mindoro. Buti pa dun e libre maligo sa dagat. At kung gusto naman sa pool e mura lang din. P20 lang yata ang entrance at maghapon ka nang pwedeng maligo, uminom at umihi sa mga pool nila.

Apir!