Kilala n’yo ba si Mareng Kayod? Ang kumare ng? bayan? Wala ka pala eh… hindi ka updated sa pinakamalanding komiks ng taon. Walang iba kundi ang komiks ng Meralco.

Kelan ko lang nabigyan ng pansin ang isang papel na kasama kapag dumadating ang bill namin sa koryente. Kapag nakita ko na kase kung magkano ang babayaran ay nawiwindang agad ako kaya hindi ko na napapansin yung iba pang mga papel na kasama sa loob ng sobre.

Ang nilalaman ng komiks na ito ay yung mga impormasyon tungkol sa Meralco, mga serbisyong binibigay nila, mga alternatibo sa pagbabayad at mga paalala. Pero ang lubos na nakatawag ng pansin ko ay ang ending ng bawat komiks. Lahat kase ay nagtatapos sa paglaladlad ng kalandian ni Mareng Kayod. Isang halimbawa na lang itong episode na to:

Sinama ni Mareng Kayod ang kumare nya para magbayad ng bill sa Meralco at laking gulat ng kumare nya dahil walang pila at mabilis sila nakapag bayad (saan kayang branch ito, gusto kong dumayo). Tapos dumating ang uber friendly na empleyado ng Meralco at nagbigay ng dagdag impormasyon sa magkaibigan. Pwede naman palang magbayad ren gamit ang credit card, telepono, cell phone at Internet banking. Akalain mo nga naman, anlaking ginahawa! Pero ayaw ni Mareng Kayod sa mga nabanggit na paraan ng pagbabayad. Tinanong naman sya ni kumare nya kung bakit e mas naging convenient na nga. At ang sagot nya, “Ampopogi mga tao dito eh!”, sabay yakap at dikit ng dede sa biglang nag-blush na friendly employee (na malamang e may asawa na). Hanlandi! Hahaha…

Apir!

PS. Nasa komens section yung iba pang episodes.