
‘Di na ako madalas makapagreklamo dito. Minsan e tinatamad, minsan e walang gana. Ayus lang, wala naman gaanong bisita. Pampalipas-oras lang naman ‘to.
Anyway, namatay na pala si Cory. At nakipagchikahan naman si Gloria kay Obama. At malungkot si Lito Lapid dahil ‘di sya nakapagpa-picture kasama si Obama. Ampota, nagugutom ang Pilipinas tapos yan ang inaatupag mo, wala kang kwenta, gagu!
Kahit saang sulok ng media ay talagang lumang-luma na ang isyu na bulok ang gobyerno ng Pilipinas. Puro mga tiwali, mandarambong, mandaraya at mga walang kakwenta-kwentang tao ang karamihan sa gobyerno kaya hindi na talaga ito nakapagtataka.
Ayus din itong mga tanong ni Chiz Escudero tungkol sa mga ginawang trip ni Arroyo simula nung inagaw nya ang pagka-presidente kay Erap. Tinatanong kase nya kung ano daw ba naman ang napala ng Pilipinas sa mga ginawang paglalakbay ni Gloria. Kung nabasa n’yo ren ang mga report mapapansin nyo? na sa tuwing pupunta si Gloria sa ibang bansa ay parating may mga kasamang alipores na hindi naman talaga kailangan sa pupuntahan. At minsan nga ay kasama pa ang mga ka-pamilya nya para mukhang bakasyon ang dating. At ang pinakamasakit pa dun, lahat ng gastos nila ay sagot ng mga mamamayang Pinoy. Katuwiran naman ng mga tagapagsalita ni Arroyo, puro daw sa kapakanan ng mga Pilipino ang lahat ng kanyang mga pagpunta sa ibang bansa. Pero hanggang ngayon ay wala pa din silang maipakita na mga magagandang naidulot ng mga nasabing paglalakbay. Ampotang kapal din ng mukha ano?
Special holiday daw sa libing ni Cory. Si Gloria kaya, kelan mamamatay? Dapat dun one week special holiday para makapagdiwang naman tayo ng maayos.
Apir!