
Oo, hindi ako kasali. Nagiging fashion trend na lang yang pagsusuot ng dog tag na pauso ng akomismo.org. Akala ko pa naman dati e gugustuhin ko yan. Ginawa lang nilang astig ang kulay dahil pula at itim, parehong paborito kong kulay dati pa.
Nagsimula ang pagsusuot ng nasabing dogtag noong Araw ng Kalayaan. Nagpa-concert ang Ako Mismo (ng mga overrated na banda) at doon ay nagbenta sila ng ilang libong dog tag para sa mga Pilipino na namamanatang may gagawin daw para sa ikauunlad ng Pilipinas. O kung ano man yung panata nila.
Nung una kong nakita yung website ay mukhang ok nga naman. Nagpakita sila ng mga Pilipinong nakagawa ng mga bagay na ikararangal ng mga kapwa Pilipino. Tapos sumubok din akong gumawa ng panata. Pero nung dapat ilalagay ko na kung ano ang panata ko, wala akong maisip. Nakatigil din ako ng ilang oras pero wala talaga. Hindi ko na lang tinuloy. Pero pansin ko na marami talaga ang tumangkilik sa gimik na ito. Sa mga forums na napupuntahan ko e ginagawa nila itong signature, nilalagay din sa sidebar ng kanilang mga blogs, at kung saan-saan pa pwedeng ipagmayabang.
Tapos nauso na itong dog tag noong nakaraang linggo. Nung araw na unang lumabas ito ay sangkatutak na agad ang may suot. Shempre bagong-bago e kaya benta sa masa. At mukha kang cool pag suot mo ito, dahil red at black. At pag suot mo ren ito, makabayan ka. Pero hanggang dun na lang yun. Yung iba nga wala naman talagang panata eh. Hindi alam kung ano ba ibig sabihin nitong Ako Mismo. Basta nabalitaan lang na may cool na dog tag na uso ngayon kaya nagpabili na ren sa mga kakilala nila. Sus.
Nakikita kong maganda ang sense ng pakanang ito. Pero yung paraan na ginamit nila ay para lang kumita ng pera at magpasimuno ng bagong standard sa fashion trend. Sa sunod e gaya-gaya na lang din to, parang ganun lang sa nangyari sa mga shirt ni Francis M. Balita ko nga e meron na agad binibenta sa Recto nung araw na lumabas yung mga dog tag. Tsk tsk mga Pinoy talaga. Masabi lang na cool, kahit magpaka-ipokrito, basta “in” sa paningin ng karamihan. Ayokong sumali dyan. Kayo na lang.
Apir!