Panay ang sabi nating mga Pinoy na dapat natin ipagmalaki ang lahing kayumanggi. Dahil naiiba tayo sa mundo at ang kulay natin ay isa sa mga bagay na naghihiwalay sa atin sa ibang lahi. At kung anu-ano pang shit.

Pero isang byahe mo lang sa kahabaan ng EDSA e masasabi mo agad na puro kasinungalingan na naman yung naunang pahayag. Dahil ang sinasabi at pinagmamalaki ng media ay mas maganda at mas katanggap-tanggap ka pag maputi ang balat mo. Naalala ko tuloy yung poster ng isang produktong pamapaputi, pinagmamalaki na napaputi nila si Jinky Oda. Pakshet!

Sobrang daming mga Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa pagpapaputi ng balat. Yung iba e gaya-gaya sa mga artistang mabababaw. Yung iba naman e sadyang maaarte. Tapos pag maputi ang tawag e flawless daw, pero pag hindi maputi e hindi flawless. Mga bobo talaga. Hindi man natin aminin na mahilig din tayo sa diskriminasyon, makikita naman sa paraan ng pamumuhay natin na binibigyan natin ng importansya ang kulay ng balat. Tapos pag tayo ang nakitahan ng mali ng mga taga-ibang bansa e hayan at magrarally kayong parang mga tungag. Mga nagpupumilit kayong maging kakulay ng mga banyagang puti e sila nga e ayaw ng ganung kulay nila. Nagpapa-araw pa talaga sila para lang maging kayumanggi ang kulay nila. Napaka-pathetic talaga.

Ako, pinagmamalaki ko ang kulay ng balat ko. Natural akong kayumanggi at hindi ako nagbabalak magpaputi ng balat. Dahil kung ano ang kulay mo, dapat tanggapin mo na lang. Kung natural kang maputi e di ayus. Pero wag ka nang kung anu-anong shit ang ginagawa para lang pumuti. Dahil pag nagka-cancer ka sa balat sa pagpapaputi, ako ang unang-unang hahalakhak. Seryoso, pag may nabalitaan akong nagka-cancer dahil sa paggamit ng mga pampaputi na yan, ifefeature ko dito. Baka may kilala kayo sabihin nyo lang sa akin. Pero para sa mga kapwa ko Pinoy na pinagmamalaki ang natural nilang kulay…

Apir!