
Mahilig tayong mga Pinoy sa kantahan. Marami tayong magagaling na mga musikero dito sa ating bansa at marami sa kanila ay yung mga hindi nabibigyang pansin. Mas madalas kase ay trip ng masa yung mga jologs na kanta gaya ng mga tinutugtog sa wowowee. Dahil dito ay mas pinapaboran ng mga producers kuno ang mga banda o musikerong hindi naman magaling gumawa ng kanta pero bumibenta ang mga komposisyon sa masa. Kaya nagiging tanga na lahat: ang musikero, ang producer, at ang mga nakikinig. Paikot-ikot lang ang siklo nyan.
Isa sa mga partikular na nakakadungis ng magandang imahe sa industriya ng musika ay yung mga musikero kuno na ninanakaw ang mga tono ng kantang Ingles at ginagawan ng lirikong Tagalog. Wala man lang bahid ng pagkamalikhain ang ganitong paraan ng paggawa ng kanta pero bentang benta sa masa dahil sobrang baba na ng standards ng karamihan sa mga Pinoy. Naunang naging jologs yung kumanta tapos ng mapakinggan ng masa e nagising ang pagiging jologs nila. At dahil benta ay naisip ren ng jologs na producer na mga ganitong tipong basura na lang ang popondohan. Buti pa ang mga jologs kumikita.
Kamakailan ay pinalabas din sa programa ni Jessica Soho ang tungkol dito.? Kung hindi n’yo napanood, pwede pa makita dito ang video. Sa pagkakapresenta sa dokumentaryo ay pabor sila sa ginagawa ng mga ganitong kanta dahil sa aliw factor. Pero natuwa ako at umayon sa sinabi ng magaling na musikerong si Noel Cabangon na hindi talaga nakakatulong ang ganitong mga artista sa ating bansa. Unang-una, mga kantang banyaga ang pinagbasehan ng lahat. At wala talagang creativity. Hindi ko alam kung paano naaaliw ang mga tao, halimbawa dun sa lecheng kantang Banana na revived version kuno ng kanta ng kung sinong rapper sa Amerika. Pero pakiusap, kung maganda ang araw/gabi mo ngayon wag i-click ang huling link na binigay ko.
Sa palagay ko, hindi na magbabago ang ganitong pananaw ng mga Pilipino. Sa bagay, easy money ren kase yung ganito. Pero jologs pa ren talaga, takte hindi ko mapalampas ‘to. Minsan nga naiisip ko: mabuti pa si April Boy, gumagawa ng sariling tono kahit jologs pa ren. At least ginamitan ng konting utak yung mga kanta nya. ‘Di ba?
Apir!