
Isa sa mga dahilan kung bakit napaka-twisted ng ating pamayanan ngayon ay dahil sa mga patalastas o commercials sa TV. Para kase maging mabenta ang produkto, kelangang paminsan-minsan e bolahin, paikutin, lituhin o sadyang pasakitin lang ang ulo ng mga mamimili. At dahil d’yan ay binubuksan ko ang bagong kategorya dito: ang Patalastas.
Pang buena mano sa kategoryang ito ay ang isang patalastas na medyo bago pa ng kaunti. Ito ay ang patalastas ng Nestlé Coffee Mate. Heto s’ya:
Gustong iparating ng Nestlé na ang produkto nilang ito e para sa mga health conscious. Okay na sana kahit papaano, pero puro loopholes ang commercial nila.
Unang-una, bakit ayaw ipakain nung babae yung mga pagkain? E bakit n’yo pa hinayin yan? Hindi naman mukhang hotel yan. Sa tingin ko e bahay n’yo talaga yan at malamang kayo o kasambahay n’yo ang naghanda. E kung kasambahay n’yo naman ang naghanda, malamang dapat noon pa nila alam na hindi ka kumakain n’yan? At bakit hindi alam ng lalake na ayaw pala ng babae sa mga ganung pagkain? Napakawalang-kwenta mo namang boypren o asawa. O kapatid. Baka naman business partners lang sila? Aba, mga hitad!
Eto pa. Sige, ipagpalagay naten na 0 grams trans fat nga ang Coffee Mate, e kumusta naman ang tone-toneladang caffeine sa kape . Kase para sa kape naman talaga yan, ‘di ba? Hindi naman lahat ng gumagamit n’yan e sa soy coffee nilalagay yan. Sa purong kape talaga nila hinahalo yan. At gawa ren ng Nestlé ang Nescafe. Hmm, sa bagay, kung puro caffeine lang at wala nang fats e mas matagal mamamatay ang mga umiinom. Mas marami ang maiinom nilang kape, mas marami ang mabebenta ng Nestlé.
Isa yata ito sa mga alituntunin sa paggawa ng patalastas: Kung nakakaloko ang ibebenta mo at medyo malabo ang mensahe, gumamit ng magandang babae para hindi masyadong halata.
Apir!