May bago na namang pinagpipyestahan ang mga Pinoy. Hindi naman kalakihan, hindi ren nakakatuwang tingnan, ewan ko kung bakit parang outbreak ng bubonic plague nung unang panahon ang pagkalat ng mga litrato at video.

Kung hindi mo naman alam ang mga nangyayaring ganito, mabuti naman. Huwag mo nang alamin. Hindi ko na din naman sasabihin dito direkta kung ano talaga, pero malamang kung marunong kang magbasa at umintindi e malalaman mo ren.

Napatunayan ko na sadyang maraming Pinoy ang may mapanirang karakter. Bakit kapag may artistang nahuhubaran, kahit gaano kaliit ang makikita, e pinagkakaguluhan na agad? At bakit parang nagiging obligasyon mo na ipakita ren sa ibang tao? Kung may larawan kang hubad, gugustuhin mo bang makita ito ng lahat? (hindi kasali ang mga exhibitionists sa tanong na ito) O kaya larawan ng nanay mo? Ng lola mo? Ng kapatid mo? Kung hindi naman kilala ang nasa larawan, hindi naman ito pagkakaguluhan. Malas na lang kase ni Anne at sikat s’ya. Mas malaki ang magiging epekto sa kanya.

Hindi naman nadadagdagan ang antas mo sa buhay kapag pinamahagi mo sa mga kaibigan mo ang ganong klaseng larawan. Hindi ka ren kumikita dyan. Sadya lang lumalabas ang tinatago nating ugaling manira ng kapwa. Dahil dyan nakikita ang pagiging bastos at walang respeto natin sa kapwa, sa kababaihan. Kung nakakuha ka ng litrato o ng video, hindi mo na kelangang gawing misyon na ikalat ito sa Internet. At masagasaan ka sana ng limang bus kung ikaw ang nagpublish pa nito sa mga tabloids at wala man lang censorship. Napakababaw ng kaligayahan. Sana magantihan kayo.

Sa mga artista naman, huwag maging tanga, okay? Huwag maging tanga. Kung alam n’yo namang may gagawin kayong pagtatambling-tambling sa entablado, siguraduhing maayos ang suot. Huwang maging tanga. Lalo na kung hindi naman kagandahan ang pwedeng makita sa inyo kung sakali. Tsk tsk…

Angel Locsin, please lang… wag sanang mangyari sa’yo ang nangyari kay Anne Curtis. Baka burahin ko ang batikos na ito at tuluyan nang makigulo sa paghanap sa larawan at video mo. Okay?

Apir!