
Mahirap magkasakit ngayon. Kahit lagnat lang. Lalo na kung estudyante ka. O nagta-trabaho rin. Para sa akin, hindi talaga mahirap yung lagnat lang mismo. Madali lang naman yun e. Basta uminom lang ng maraming tubig. Punas-punas ng konti. Inom ng sabaw. Pag medyo mataas talaga e inom ng gamot. Ganun lang kasimple. Ang pangit e yung pagkatapos na ng lagnat at kelangan mo nang bumalik sa eskwela o sa trabaho. Haha ano namang pangit dun?
Ang pangit dun e ire-require ka ng teacher o boss mo ng doctor’s note. Para siguro katunayan na nagkasakit ka nga at hindi nag-outing sa resort sa Bulacan kasama ng mga barkada mo. Kapag lagnat lang naman ang naging sakit mo, hindi mo na naman talaga kailangang pumunta sa ospital para lang magpagamot. Pero ang nakakairita e hahanapan ka ng doctor’s note. Tapos wala kang maipakita. Isipin mo, kung nilalagnat ka wala ka na ring lakas na pumunta pa sa ospital para lang humingi ng katunayan sa doktor na may lagnat ka nga. ‘Tsaka parang tanga naman yun. Ang kailangan mo ay magpahinga at hindi pumunta sa ospital. Shet na-dengue nga ako ng stage 1 e mag-isa lang ako sa apartment.
Siguro e sinasamantala yun ng mga wais kuno na mga estudyante. Pero kahit naman doctor’s note e kaya na ding doktorin. Minsan ‘pag may kakilala kang doktor e pwede kang magpagawa kung gusto mo umabsent. Kaya wala na ring lusot. Badtrip talaga.
Pero sige na nga… Apir!