
Ang Mga Reklamo atbp. ni Boy Batikos ay taos-pusong nakikiramay sa mga naging biktima ng karahasan sa Maguindanao. Bagama’t hindi pormal, bahagi na rin ng mass media ang blog na ito at sa ganung konteksto ay kasali ito sa mga nagdadasal na magkaroon ng katarungan para sa mga walang-awang pinatay na mga inosenteng tao at mga media men.
Sa mga taong responsable sa madugong krimen na ito, hinding-hindi kayo makakatakas sa inyong ginawa. Marahil ay kaya n’yong linlangin ang tao ngunit sa mata ng Diyos ay wala kayong takas. Matitikman n’yo rin balang araw ang ginawa ninyo, maging utos lang ito sa inyo o plinano n’yo mismo.
Sana ay hindi palampasin ng gobyerno ang pinakamasamang karahasang pulitika sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Huwag sanang tumigil ang mga ahensyang tumutugis sa mga kriminal at nagsisiyasat sa mga pangyayari hanggang sa mapanagot ang lahat ng mga may kasalanan.