
Hahaha potek wala na talaga akong magawa sa buhay ko. Kaya ito magsusulat na lang ulit. Pero mas madali to kase puro Tagalog e. Ito basahin mo na lang yung tungkol dito sa bagong blog na ito para hindi ko na uulitin at magmukhang sirang plaka.
Nakakainis lang kase e walang magawa. Parati na lang tambay at nagpapalipas ng oras. Yung isa ko namang blog ay Ingles at pag minsan ay nakakatamad na din mag post dahil mag-iisip pa ako ng malalim na salita na hindi maiintindihan ng marami. Para cool kumbaga. Mga henyo lang ang makakaintindi agad. Kaya ito ay para pag gusto kong magpost pero ayaw kong mag-isip pa ng masyadong malalim. Parang naglalaro lang ba. Ngayon nga e nakapikit ako habang nagpopost hahaha.
Sya sige at pag nakabwelo ay may idadagdag ulit ako. Marami akong naiisip na ireklamo sa kawalan e. Kakain lang muna ako at pag busog na ay mas madaling magdadakdak ng kung anu-ano.
Apir!