
Nakailang remake na ba ng Darna? Di na tayo makasagot ng isa o dalawa ano? Yan ay dahil di na natin tanda kung ilang beses na pinagpiyestahan ng mga producers ang kwentong ito dahil sa kakulangan nila sa pag-iisip ng matinong kwento. Kelan lang natapos yung Darna na tinampukan ng katawan ni Angel Locsin ah. Tapos ngayon eto at katawan naman ni Marian Rivera ang ibabandera sa mga telebisyon sa buong Pilipinas. Parehong katauhan, ganun din ang plot, ganun din ang kwento. Hoy, mga may-ari ng estasyon ng telebisyon: meron pa bang nag-iisip dyan sa mga studio ninyo? Yung Dyesebel kaya, kelan ulit ang remake?
Pero seryoso talaga, walang matinong palabas ngayon na series dito sa Pinas. Kung hindi mga tinagalog na kwentong Koreano e mga plot na kinuha pa sa baul ng mga ninuno ni Lola Basyang. Parati na lang sa mga kwento ng mga series dito sa atin e may mga goons na bobo, mayayamang masasama ang ugali, mga ulila na nagiging mayaman sa huli, kasalan ng bida at leading lady sa huli, natatagpuan ang mga nawawalang anak, at kung anu-ano pang mga twist kuno na sa pilot episode pa lang e alam mo nang yun ang mangyayare. Naiisip ko nga e baka nag-pot session minsan ang mga writers sa mga tv series tapos kung anu-anong ka-estupido-han ang nagawa nilang mga kwento.
Bakit ba wala man lang nakakaisip na gastusin ng tama yung perang nakalaan para sa produksyon ng isang tv series? O kahit ng isang pelikula. Natatandaan ko e gumastos sila ng pagkalaki-laki para lang makapag-shooting sa Dubai, sa Amerika, sa Italy at kung saan-saang bansa. Pero yung kwento e napaka-generic pa ren. Walang pinagkaiba sa mga nagawa nang pelikulang Pinoy. E bakit kaya hindi na lang gastusin yung perang yun sa disenteng manunulat ng kwento? O kaya sa totoong special effects? At wag nilang sasabihin na hindi pa natin kaya ang ganung teknolohiya. Pakshet yan. Ang gaganda ng mga effects sa mga commercials sa tv na nakikita ko. E kung pinopondohan nila na i-apply ang mga ganung effects sa pelikula o sa tv series e di mas mataas ang entertainment value. O kaya umarkila naman ng totoong stunt coordinator. Potakteng mga stunts na pinapakita yan, mas nakakaaliw pang alalahanin yung suntukan namin ng kaklase ko sa bubong ng school nung elementary days.
Palibhasa kase e benta na sa karamihan sa masang Pinoy na puro mabababaw ang taste. Oo, kinukutya ko talaga ang kababawan ng taste ng masa. Akalain mong yung konting gusot ang mukha ng isang komedyante e sakit na ang tyan katatawa ng mga masang Pinoy, hindi ba naman kababawan yun. Taasan nyo naman ang mga standards nyo, para matuto ren itong mga producers natin. O kaya kayong mga producers e magkusang gumawa ng matitinong palabas. At baka makabili pa ako ng tv ng dahil lang sa inyo.
Apir!
Panay ang sabi nating mga Pinoy na dapat natin ipagmalaki ang lahing kayumanggi. Dahil naiiba tayo sa mundo at ang kulay natin ay isa sa mga bagay na naghihiwalay sa atin sa ibang lahi. At kung anu-ano pang shit.
Pero isang byahe mo lang sa kahabaan ng EDSA e masasabi mo agad na puro kasinungalingan na naman yung naunang pahayag. Dahil ang sinasabi at pinagmamalaki ng media ay mas maganda at mas katanggap-tanggap ka pag maputi ang balat mo. Naalala ko tuloy yung poster ng isang produktong pamapaputi, pinagmamalaki na napaputi nila si Jinky Oda. Pakshet!
Sobrang daming mga Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa pagpapaputi ng balat. Yung iba e gaya-gaya sa mga artistang mabababaw. Yung iba naman e sadyang maaarte. Tapos pag maputi ang tawag e flawless daw, pero pag hindi maputi e hindi flawless. Mga bobo talaga. Hindi man natin aminin na mahilig din tayo sa diskriminasyon, makikita naman sa paraan ng pamumuhay natin na binibigyan natin ng importansya ang kulay ng balat. Tapos pag tayo ang nakitahan ng mali ng mga taga-ibang bansa e hayan at magrarally kayong parang mga tungag. Mga nagpupumilit kayong maging kakulay ng mga banyagang puti e sila nga e ayaw ng ganung kulay nila. Nagpapa-araw pa talaga sila para lang maging kayumanggi ang kulay nila. Napaka-pathetic talaga.
Ako, pinagmamalaki ko ang kulay ng balat ko. Natural akong kayumanggi at hindi ako nagbabalak magpaputi ng balat. Dahil kung ano ang kulay mo, dapat tanggapin mo na lang. Kung natural kang maputi e di ayus. Pero wag ka nang kung anu-anong shit ang ginagawa para lang pumuti. Dahil pag nagka-cancer ka sa balat sa pagpapaputi, ako ang unang-unang hahalakhak. Seryoso, pag may nabalitaan akong nagka-cancer dahil sa paggamit ng mga pampaputi na yan, ifefeature ko dito. Baka may kilala kayo sabihin nyo lang sa akin. Pero para sa mga kapwa ko Pinoy na pinagmamalaki ang natural nilang kulay…
Apir!
Hanggang kelan kaya titigil ang mga eksena nitong si Willie Revillame? ‘Di pa nga yata natatapos yung mga gulo nya dati tapos eto na naman ang panibago. Para sa mga hindi nakapanood, nagkaroon na naman kase ng kaguluhan matapos na ipaalis ni Willie yung broadcast ng libing ni Cory sa programa nya sa tv na Wowowee. Ito ay dahil daw sa nagsasaya sila tapos may ipapakitang libing.
Kahit papaano naman ay naintindihan ko yung point nya. Ang mali lang dun ay yung katangahan na naman nya. O kung sinadya naman nya yun, siguro ay nagpapasikat na naman at kailangan on-air pa nya talaga sabihin. Pwede naman na hintayin nya na mag commercial muna tapos tsaka sabihin sa direktor na alisin na lang yung broadcast sa screen. Siguro e mag update na lang maya’t-maya. Pero dahil dun sa ginawa n’ya ay nabastos tuloy nya ang libing ng dating presidente. Ambobo ren naman nitong direktor at kailangang isuksok lahat sa screen ang maliliit na window para makita ang live broadcast e hindi ren naman makita nang maayos lalo na kung maliit lang ang tv. Pwede naman na mag flash report na lang sila. Isa pa din kaseng pasikat e kaya kahit sa programang nagsasaya at naglalaro ang mga tao e nakasingit dun yung broadcast ng libing. Anong klase naman yan?
Ayan tuloy nakakita na naman ng butas si Joey. At si Willie e naka-indefinite leave daw. Ganun na lang siguro ang sinabi para hindi pa masyado madagdagan ang kahihiyan. Pero pota napakabobo talaga.
Apir!
‘Di na ako madalas makapagreklamo dito. Minsan e tinatamad, minsan e walang gana. Ayus lang, wala naman gaanong bisita. Pampalipas-oras lang naman ‘to.
Anyway, namatay na pala si Cory. At nakipagchikahan naman si Gloria kay Obama. At malungkot si Lito Lapid dahil ‘di sya nakapagpa-picture kasama si Obama. Ampota, nagugutom ang Pilipinas tapos yan ang inaatupag mo, wala kang kwenta, gagu!
Kahit saang sulok ng media ay talagang lumang-luma na ang isyu na bulok ang gobyerno ng Pilipinas. Puro mga tiwali, mandarambong, mandaraya at mga walang kakwenta-kwentang tao ang karamihan sa gobyerno kaya hindi na talaga ito nakapagtataka.
Ayus din itong mga tanong ni Chiz Escudero tungkol sa mga ginawang trip ni Arroyo simula nung inagaw nya ang pagka-presidente kay Erap. Tinatanong kase nya kung ano daw ba naman ang napala ng Pilipinas sa mga ginawang paglalakbay ni Gloria. Kung nabasa n’yo ren ang mga report mapapansin nyo? na sa tuwing pupunta si Gloria sa ibang bansa ay parating may mga kasamang alipores na hindi naman talaga kailangan sa pupuntahan. At minsan nga ay kasama pa ang mga ka-pamilya nya para mukhang bakasyon ang dating. At ang pinakamasakit pa dun, lahat ng gastos nila ay sagot ng mga mamamayang Pinoy. Katuwiran naman ng mga tagapagsalita ni Arroyo, puro daw sa kapakanan ng mga Pilipino ang lahat ng kanyang mga pagpunta sa ibang bansa. Pero hanggang ngayon ay wala pa din silang maipakita na mga magagandang naidulot ng mga nasabing paglalakbay. Ampotang kapal din ng mukha ano?
Special holiday daw sa libing ni Cory. Si Gloria kaya, kelan mamamatay? Dapat dun one week special holiday para makapagdiwang naman tayo ng maayos.
Apir!