
Ilang linggo na din akong naglalaro ng Mafia at Vampire wars na gawa ng Zynga. Sa fesbuk. Simple lang ang konsepto nya, at kahit na wala ka talagang nakikitang action e babalik-balikan mo, basta ba alam mo sya laruin. Simula nung naglaro ako e hindi na ako tumigil haha.
Pero ang isa sa pinaka-nakakairita sa larong ito ay kapag may gusto kang tirahin na player tapos hindi mo malagay sa hitlist dahil patay na daw. Kahit balikan mo every 10 minutes e patay pa ren. Supposedly kase, bawat 2 hanggang 3 minuto e nadadagdagan ang buhay ng isang player. Pero ewan ko ba kung bakit andami-daming players na gusto kong i-hitlist (lalo na sa vampire wars) pero hindi ko magawa dahil nga dun sa pesteng deds na yun.
‘Di ko ren gaanong trip yung mga consumable items na kailangan sa missions kagaya ng blackmail photos, untraceable cell phones at yung iba pa. Wais nga naman sa part ng mga gumawa ng laro dahil matatagalan ito matapos ng mga manlalaro, pero hindi sya masyadong nakakatuwa. Kailangan mo pa kase na magpabalik-balik dun sa mga natapos mo nang missions tapos tsaka mo magagawa yung missions na kailangan ang mga items na ‘to. Mabuti sa Cuba dahil yung politico corrupto e napoproduce sa bawat tatlong oras kaya hindi na kailangan yung bumabalik pa sa mga lumang missions.
Sa vampire wars e di ren nakakatuwa kapag nakipag-combat ka sa isang player tapos pag natalo ka e anlaki agad ng nawawala sa skill ranking. Pero pag ikaw ang nanalo sa isang player e hindi ganun kalaki ang nadadagdag sayo. Hindi ko nga alam kung bakit kelangan pa ng skill ranking. Dapat ginawa na lang nilang ganun sa mafia wars, palakasan na lang talaga ng miyembro at mga gamit.
Pero kahit may mga nakakainis na parte ang mga larong ito ay nakakaenjoy din naman laruin. Ewan ko ba.
Apir!
Dahil hindi pa ako makapag-reklamo sa kadalihanang a) tinatamad ako, b) wala pang maisip maireklamo, c) busy sa trabaho, at d) busy sa ginagawang proyektong website, inihahatid ko sa inyo ang pinakabagong radio show ng mga may tama: The John Lloy Umali Radio Show.
Ang nasabing radio show ay parang podcast na nasa blog. Madidinig dito ang mga kantang hindi n’yo malamang nadidinig sa radyo. Dahil may tama si JLU hahaha.
Bukod pa sa mga kanta, kasama sa programa nya ang **HORRORSPOKE**. Ang horrorspoke ay isa pa ring pauso ni JLU matagal na. Ito ay ang mga mas nakakatuwang bersyon ng mga sasabihin sa inyo ni Madam Auring. Pwede siguro kayo mag rekwes dun sa komens section ng kanyang blag. At dapat hindi mawala yung horrorspoke ko bukas. Hoy JohnLloy! Kalimutan mo na ang nakaraan natin ‘pag nakalimutan mo ako hahaha.
Apir!
Simula nung grumadweyt ako ng kolehiyo, naka-tatlo o apat na beses din akong nag-apply sa call center. Pero isang beses lang ako natanggap at yun na ang huling beses na ako ay nag-apply. Yung una kong inapplyan ang unang job interview ko ren na naranasan. Wala naman talaga ako balak magtrabaho dun, gusto ko lang masanay na mainterview ng employer para kapag sa totoong trabaho na gusto ko na e hindi na ako masyadong kinakabahan. Maayos naman yung mga naging interview lalo na yung phone interview nung Amerkano. Pero dun sa final interview na dun yata ako bumagsak dahil hindi daw ako confident. Well, anyway, may point naman siguro sya pero ang akin lang, nakapasa ako sa phone interview dahil hindi ako kinakabahan. E di ba ang point naman ng call center e magbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng telepono? Pero hindi naman masama ang loob ko dahil dun. Ang sabi na lang sa akin nung babae e tatawagan na lang daw ako.
Sa mga sumunod na inapplyan ko e kesyo malayo daw yung pinag-aralan ko sa inaapplyan kong trabaho, baka daw iwanan ko lang yung trabaho pagkatapos ng training, o wala daw experience. Basta kung anu-anong dahilan. Tapos ang palaging ending e tatawagan ka na lang namin.
Sa lahat ng inapplyan ko e ganyan ang sinasabi sa bandang huli. Nung una e akala ko naman e totoong ganun talaga ang nangyayare. Shempre bergin pa sa pag-aapply e kaya umaasa sa mga salita ng mga interviewer. Pero nung nangyari nang ganun sa pangalawa e nag-isip na ako na puro kalokohan din pala itong mga nag-iinterview sa call center. Actually, ang duduwag nila. Hindi nila kayang sabihin ng harapan dun sa naga-apply na hindi sila tanggap. Meron pa silang pabigay-bigay ng sulat, akala ko naman dati e schedule kung kelan ako babalik yun pala e sasabihin lang na please try again. Ahaha pakshet yan. Again, hindi naman masama ang loob ko sa kanila. Masyado lang nakakaloko. Ayaw makaranas ng awkward moment.
Ang natutunan ko naman e gaguhan lang pala ang laban sa mga ganyang interview. Magsabi ka ren ng kung anu-anong shit na gusto nilang marinig kagaya ng: gusto mong magtagal sa kompanya nila, na sila ang sa tingin mo e number one sa industriya, pagbubutihan mo ng husto ang pagtatrabaho mo, at kung anu-ano pang magagandang salita. Ayun, sa pang-apat ko e nakapasok ren ako hahaha. Pero di ren naman ako nagtagal. Umalis ren ako dahil hindi ko talaga trip dun.
Apir na lang!
Nakailang remake na ba ng Darna? Di na tayo makasagot ng isa o dalawa ano? Yan ay dahil di na natin tanda kung ilang beses na pinagpiyestahan ng mga producers ang kwentong ito dahil sa kakulangan nila sa pag-iisip ng matinong kwento. Kelan lang natapos yung Darna na tinampukan ng katawan ni Angel Locsin ah. Tapos ngayon eto at katawan naman ni Marian Rivera ang ibabandera sa mga telebisyon sa buong Pilipinas. Parehong katauhan, ganun din ang plot, ganun din ang kwento. Hoy, mga may-ari ng estasyon ng telebisyon: meron pa bang nag-iisip dyan sa mga studio ninyo? Yung Dyesebel kaya, kelan ulit ang remake?
Pero seryoso talaga, walang matinong palabas ngayon na series dito sa Pinas. Kung hindi mga tinagalog na kwentong Koreano e mga plot na kinuha pa sa baul ng mga ninuno ni Lola Basyang. Parati na lang sa mga kwento ng mga series dito sa atin e may mga goons na bobo, mayayamang masasama ang ugali, mga ulila na nagiging mayaman sa huli, kasalan ng bida at leading lady sa huli, natatagpuan ang mga nawawalang anak, at kung anu-ano pang mga twist kuno na sa pilot episode pa lang e alam mo nang yun ang mangyayare. Naiisip ko nga e baka nag-pot session minsan ang mga writers sa mga tv series tapos kung anu-anong ka-estupido-han ang nagawa nilang mga kwento.
Bakit ba wala man lang nakakaisip na gastusin ng tama yung perang nakalaan para sa produksyon ng isang tv series? O kahit ng isang pelikula. Natatandaan ko e gumastos sila ng pagkalaki-laki para lang makapag-shooting sa Dubai, sa Amerika, sa Italy at kung saan-saang bansa. Pero yung kwento e napaka-generic pa ren. Walang pinagkaiba sa mga nagawa nang pelikulang Pinoy. E bakit kaya hindi na lang gastusin yung perang yun sa disenteng manunulat ng kwento? O kaya sa totoong special effects? At wag nilang sasabihin na hindi pa natin kaya ang ganung teknolohiya. Pakshet yan. Ang gaganda ng mga effects sa mga commercials sa tv na nakikita ko. E kung pinopondohan nila na i-apply ang mga ganung effects sa pelikula o sa tv series e di mas mataas ang entertainment value. O kaya umarkila naman ng totoong stunt coordinator. Potakteng mga stunts na pinapakita yan, mas nakakaaliw pang alalahanin yung suntukan namin ng kaklase ko sa bubong ng school nung elementary days.
Palibhasa kase e benta na sa karamihan sa masang Pinoy na puro mabababaw ang taste. Oo, kinukutya ko talaga ang kababawan ng taste ng masa. Akalain mong yung konting gusot ang mukha ng isang komedyante e sakit na ang tyan katatawa ng mga masang Pinoy, hindi ba naman kababawan yun. Taasan nyo naman ang mga standards nyo, para matuto ren itong mga producers natin. O kaya kayong mga producers e magkusang gumawa ng matitinong palabas. At baka makabili pa ako ng tv ng dahil lang sa inyo.
Apir!