
Takte! Nakakairita talaga itong mga babaeng aalis ng bahay na ang suot e sobrang ikli na damit at sobrang ikli na shorts o palda tapos pag bababa sa jeep ay hindi na magka-ugaga sa paghila ng mga lintek na damit kaya lalong natatagalan sa stoplight. Ang tingin pa sa lahat ng lalaking pasahero ay mga manyak at mamboboso. Isip nya e lahat ay singit nya ang tinitingnan. Feeling naman ng tipaklong na ‘to! Kala mo e kutis porselana, kita naman ang galis mo sa paa.
Mga babae, kung sobrang insecure lang din naman at kayo e huwag na lang kayong magsuot ng maiikling damit lalo na kung sa jeep lang naman kayo sasakay at bibili ng kalahating kilong isda sa palengke. At huwag kayong magtataray sa mga tambay na sisipol sa inyo o babati sa inyo ng hindi n’yo masyadong ma-appreciate dahil kayo mismo ang nag-aaya na bastusin kayo dahil sa damit n’yong parang sasayaw kayo sa Avenida. Huwag maging tanga, ok? Magdamit ng tama ayon sa okasyon o pupuntahan.
Apir!
Matagal ko nang napapansin na pag nasa loob ka ng grocery store, ang limangdaan mo e parang barya na lang. Kahit isang basket na maliit ay mahirap nang mapuno kung bibili ka ng matitinong pagkain. Kahit nga mga chichirya lang at de lata ay mamumulubi ka na. Minsan nga ay nagdadalawang-isip pa ako kung gagawin ko nang tig-lima ang tuna at corned beef dahil baka pagdating ko sa cashier ay kulang pala ang dala kong pera.
Masama ba akong tao kapag ginugusto ko na humina ang ekonomiya ng Pilipinas? Siguro naman ay hindi lang ako ang Pinoy na humihiling ng ganito. Pero totoo, mas madalas na gusto kong mahina ang ekonomiya ng Pilipinas para mataas ang palitan ng dolyar at marami akong pera. Kase kung tutuusin e mas maraming pakinabang sa akin pag mababa ang halaga ng piso. Marami nang pera, marami pang mabibili. Kahit naman kase mataas o mababa ang palitan ng dolyar sa piso e ganun pa din ang presyo ng mga bilihin. Ganun pa din ang taas ng pamasahe. Hindi din bumababa ang presyo sa mga serbisyong kung anu-ano.
Noong kasagaran ng taas ng dolyar sa halagang P50+ ay marami akong nabibili pag pumupunta sa grocery store. Nakaka-extra pa ng ibang mga gamit sa bahay at sa pansarili. Nakakabili pa ako ng pizza sa Yellowcab. Pero ngayon na balik ulit sa P40s ang halaga ng dolyar e wala pa ring pinagbago ang halaga ng mga bilihin. Karamihan nga ay lalo pang tumaas. Kahit pamasahe ay ganun pa din. Saktong karinderya na lang ulit ako araw-araw.
Mahal din nga kahit mamatay e. Kabaong, punerarya, burol, serbisyo, pakain sa mga magsusugal sa lamay, lupa sa sementeryo, nitso, lapida, at paglibing. Lahat ay sobrang mahal kaya mamumulubi talaga, bawal na din mamatay ngayon. Wala nang mapagpilian. Tara, matulog na lang.
Apir!
Kapag nabanggit ang inuman, kainan, sayawan, at kung anu-ano pang anuhan, ang maiisip kaagad ng karamihan ay masaya, masarap, enjoy. Iba-iba man ng taste ang bawa’t isa, may mga bagay na alam natin sa sarili natin ay masama o minsan ay bawal sa atin pero gustong-gusto pa din nating gawin. Alam natin lahat ito. Dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang mga ginagawang bawal.
Tingnan na lang natin ang mga karaniwang bisyo. Kahit sino siguro ang tanungin mo tungkol sa pag-inom o paninigarilyo nila, halos lahat siguro ay aamin na masama talaga ang mga gawaing ito. Pero kapag tinanong mo na kung bakit pa din nila ito ginagawa ay nahihiyang tawa na lang ang isasagot sayo. Pero kung lasing na ang kausap ay baka masagot ka lang ng “Anong pakelam mo?!” Kaya huwag mo na sigurong itanong. Masasabi natin na ang dahilan nito ay ang kahinaan ng loob ng isang tao na hindi kayang tanggihan ang tawag ng tukso. Pero malaki din ang nagagawa ng mga sangkap ng alak at yosi kung kaya ang mga gumagamit nito (lalo na yung matatagal na) ay nahihirapan nang bumitiw. Sa alak, ang pagkalulong dito ay nagsasanhi ng hindi magagandang sintomas kapag tinigilan ang pag-inom. Alam n’yo ba na kapag ang isang lasenggo ay biglang tumigil sa pag-inom ng alak, s’ya ay pwedeng mamatay? Hindi sa pagka-miss sa bisyo nya kundi sa magiging epekto nito sa katawan. Sa yosi naman ay ganun din. Ang nikotina ay sumasama sa sirkulasyon ng dugo at hahanap-hanapin din ito ng katawan kaya sa pagtagal ng paggamit mo ng yosi ay nadadagdagan ang hirap sa pag-alis ng bisyong ito.
Marami din ang talamak sa paggamit ng kahit anong droga. Maliban dun sa mga may sakit na talagang nangangailangan, marami din ang naaadik sa pinagbabawal (o kahit yung hindi bawal) na gamot. Malamang ay alam din ng gumagamit na masisira talaga ang katawan at utak nya pero kagaya ng naunang nabanggit na mga bisyo, kapag matagal nang gumagamit nito ay mas mahirap nang tanggalin. At habang tumatagal na gumagamit ka ay hahanapin ng katawan at isip ang sarap ng tama kapag tumitira ng mga drogang ito.
Pwede rin na guilty tayo sa pagkain. Hindi naman masamang kumain, pero yung sobra at yung puro mga matataas sa taba at sa asin ay hindi maganda sa ating katawan. Pero bakit marami sa atin ang mahilig dito? Syempre dahil masarap. Kahit alam natin na makakasama ito sa katawan ay pilit tayong humahanap ng dahilan sa ating sarili para hindi tayo gaanong ma-guilty kapag kumain ng isang bandehadong taba o limang tasang dinuguan. Nandyang iisipin natin na “bata pa naman ako, kaya pa ito ng katawan ko” o kaya e “minsan-minsan lang naman ito e.”
Nakakamangha lang isipin na bawat isa sa atin, gaano man natin isipin na malinis tayo, ay may mga bagay na gustong-gustong gawin na alam natin ay hindi maganda. May mga maghapong tumatambay at walang ginagawa, may mga nagnanakaw, may mga nambababae, may mga nanloloko, may hindi kumakain, may nagpapaka-martir, at marami pang iba. Natatanong ko tuloy minsan sa sarili ko kung natural tayong masasama at pinipilit lang nating magpakabuti, o natural tayong mabuti at talaga lang mapipilit ang mga tuksong nararanasan natin. Mag-isip-isip na tayo.
Apir!
Sa maraming mga websites na napupuntahan ko na pwedeng magkomento ang mga mambabasa, marami din ang mga taong hindi marunong gumamit ng ibang salita. Mapapansin mo siguro, parang ganun sa nauna kong post na Sa Abroad, Bow, ang post na ito ay tungkol pa ren sa mali-maling grammar. Siguro naman ay nakikita n’yo din ang ganitong pagkakamali, at pwede ren na ikaw mismo ay nagagawa ito.
Ang tinutukoy ko ay yung paggamit ng Ingles na salitang your at you’re. Maraming mga tao, pati na rin yung mga nagsasalita talaga ng Ingles ang hindi alam kung paano ba talaga gamitin ang dalawang salitang ito. Parang hindi nila alam ang pagkakaiba e. Pero kung iintindihin natin ito ay mapapansin natin ang malaki nilang pagkakaiba.
Ang salitang your ay isang panghalip o pronoun. Sa Tagalog, ang katumbas nito ay iyo. Halimbawa, kapag sinabing your self, ang katumbas nito ay ang iyong sarili. Ginagamit natin ito kapag gusto nating tukuyin ang isang bagay na pag-aari ng kausap. Kapag gusto mong sabihin na Balbon ang iyong pusa (o sa alternatibong paraan: Balbon ang pusa mo) ang gagamitin dapat ay your para maging Your cat is hairy. Ampanget naman kase kung You’re cat is hairy dahil ang katumbas nito kapag isinalin sa salita natin ay Ikaw ay ang pusa ay balbon. Whahahhaa! Wasak! Huwag naman natin itong gamitin sa pagtukoy mismo sa kausap, kagaya ng: Your so stupid! (Ang iyo sobrang tanga). Walang duda na ikaw ang tanga dahil sa grammar mo. Kung gusto mong iparating sa nakaaway mo sa Youtube na tanga sya, sabihin mo You’re stupid! at hindi kagaya ng sa naunang halimbawa.
Kung susuriin, ang you’re ay hindi isang salita. Ito ay tinatawag na contraction (hindi ko alam sa Tagalog yun). Ang dalawang salita na you at are ay pinagsama sa isang salita para maging you’re. Natatandaan ko itong tinuro ni Ma’am Loida noong grade 3 (oo, sya din ang guro ko sa English). Ginagamit ito kapag ang tinutukoy mo mismo ay ang kausap mo. Halimbawa, gusto mong sabihin na Ikaw ay pangit. Ang gagamitin mo ay you’re, para maging You’re ugly. Ito kase ang madalas na nakikita kong mali e. Ang ginagamit nila ay your. Anlalakas pa ng loob magsabi na your dumb! hindi alam na mas mukha silang tanga dahil sa illiterate sila.
Kaya para hindi ka mapasama sa mga taong hindi nakinig noong grade 3, dapat maintindihan natin ang wastong paggamit ng dalawang salitang ito. Simple lang sila pero pag nagkamali ay mukha kang tanga. Hahahaa!
Apir!