
Mahirap magkasakit ngayon. Kahit lagnat lang. Lalo na kung estudyante ka. O nagta-trabaho rin. Para sa akin, hindi talaga mahirap yung lagnat lang mismo. Madali lang naman yun e. Basta uminom lang ng maraming tubig. Punas-punas ng konti. Inom ng sabaw. Pag medyo mataas talaga e inom ng gamot. Ganun lang kasimple. Ang pangit e yung pagkatapos na ng lagnat at kelangan mo nang bumalik sa eskwela o sa trabaho. Haha ano namang pangit dun?
Ang pangit dun e ire-require ka ng teacher o boss mo ng doctor’s note. Para siguro katunayan na nagkasakit ka nga at hindi nag-outing sa resort sa Bulacan kasama ng mga barkada mo. Kapag lagnat lang naman ang naging sakit mo, hindi mo na naman talaga kailangang pumunta sa ospital para lang magpagamot. Pero ang nakakairita e hahanapan ka ng doctor’s note. Tapos wala kang maipakita. Isipin mo, kung nilalagnat ka wala ka na ring lakas na pumunta pa sa ospital para lang humingi ng katunayan sa doktor na may lagnat ka nga. ‘Tsaka parang tanga naman yun. Ang kailangan mo ay magpahinga at hindi pumunta sa ospital. Shet na-dengue nga ako ng stage 1 e mag-isa lang ako sa apartment.
Siguro e sinasamantala yun ng mga wais kuno na mga estudyante. Pero kahit naman doctor’s note e kaya na ding doktorin. Minsan ‘pag may kakilala kang doktor e pwede kang magpagawa kung gusto mo umabsent. Kaya wala na ring lusot. Badtrip talaga.
Pero sige na nga… Apir!
Maraming mga banda ang nagsusulputan ngayon. Kung nakasali ka na sa isang banda, alam mo na ang isa sa mga pinakamagandang mangyayari sa banda n’yo ay yung makatugtog sa stage sa harap ng maraming tao. O kahit sa isang bar. Basta kahit saan na may mga taong pumupunta para manood. Naalala ko nung una akong nakatugtog sa harap ng maraming tao. High school pa lang ako nun. Sa gym pa yun hahaha. Bass pa ang hawak ko at maraming mali. Pero ayus lang, high na high ako dahil ansayang tumugtog sa harap ng maraming tao.
Ito siguro ang nakita ng mga production. Ito yung nakita nilang magiging magandang raket: pagkakitaan ang mga bandang gutom sa tugtugan. Kaya naman sa pagsulpot ng maraming banda dito sa Maynila ay haya’t nagsulputan na din ang mga production. Kuno. Karamihan ay mga magbabarkadang tambay at walang magawa. Tapos may isang naka-isip na mag-organize ng production kuno, na magyayaya ng mga bandang gustong tumugtog. Pero sa isang kondisyon: sila ang magbebenta ng tiket at maghahanap ng kostumer na kikitain ng production. Ang trabaho lang talaga ng production ay kumausap sa isang may-ari ng bar tapos gumawa ng poster na parang art ng grade 1, yun na yun. Instant pera pagkatapos ng isang gabi.
Sa pagkakaintindi ko talaga e kapag banda ka, hahanap ka ng production para matulungan ka sa pagsikat. Ang gagawin ngayon ng production ay i-aadvertise itong mga banda na gustong sumikat. Dapat ay maganda ang pagkaka-advertise para mahikayat ang mga tao. Tapos yung kikitain sa gig na yun ay sa production. Para sa banda namin e bonus na lang yung mabigyan ng pamasahe pauwi. Hindi na yun mahalaga basta e makatugtog lang.
Ang mali sa ginagawa ng karamihan sa mga production ngayon ay mga banda ang pinagtatrabaho nila. Parang sasabihin lang na, “O sige, gusto mong tumugtog sa production namin. Ibenta mo itong 10 tiket na tig-isandaan. Kung lima lang ang mabenta mo e kelangang bayaran mo yung lima para makatugtog ang banda n’yo.” Pakshet! “Ay sya nga pala, tatlong kanta lang ha.” Gagu, sayo na yang tiket mo. Saksak mo sa mukha mo.
Pero marami pa ring banda ngayon ang nagtatangkilik sa mga ganitong production. Minsan ay walang magawa dahil mahirap makakita ng production na matino, yung gumagawa ng tungkulin nila. Ang itatanong siguro ng mga tao e: bakit pa kayo tutugtog kung ganyan din lang pala? Well, ang nakakaintindi lang nun e yung nagbabanda talaga. Hangga’t hindi mo nararanasan na makasali sa isang banda e hindi mo maiintindihan kung gaano ka-fulfilling yung makatugtog sa isang bar, lalo na sa mga baguhang banda. Kaya minsan sa sobrang kagustuhan makatugtog ay pumapayag na ang mga banda sa ganitong patakaran ng mga lintek na production. Aaminin ko ren na nabiktima na ren sa ganito ang banda ko. Pero ngayon ay hindi na. Sayang lang ang pagod. Pang-tugtog na lang sa studio yung ibibigay sa production.
Apir!
Nasobrahan na yata ako ng panonood ng mga Hollywood movies. Sobrang boring ng buhay ko, anak ng tokwa. Pero dahil sa sobrang panonoood ko e talagang napuno na ako sa mga bagay na sobrang OA sa mga pelikula. Isa na dito e yung paggamit nila ng computer. Well, hindi talaga yung paggamit mismo kundi yung maling paggamit o yung sobrang OA na paggamit ng computer.
Napansin n’yo ba na halos lahat (nasa 99%) ng mga pelikula na gumagamit ng teknolohiyang ito e andaming nagagawang OA sa computer? Kung napanood n’yo na yung mga pelikulang tungkol sa hacking e namangha siguro kayo sa sobrang galing ng mga gumaganap dahil kahit anong bagay e hindi imposibleng makita. Kapag may kriminal na hinahanap tapos nakuhanan ng litrato ng security camera e pwedeng-pwede nilang palakihin ng isandaang beses at maganda pa din ang quality ng litrato. Sa katunayan e kahit sobrang liit na pangalan sa ID ng isang sekyu e nakikita para iduplicate nila yung ID.
Isa pang matagal ko nang kinaiinisan e yung mga techy na tunog na ginagamit nila. Kapag may sinearch na kung ano man tapos lumabas na yung mga resulta e may mga bleep bleep pa na tunog. Pag may countdown, may bleep bleep. Pag may ineedit na dokumento, picture o kung ano, may bleep bleep. Sa bawat character na tina-type, may bleep bleep. Pota, sobrang OA! Kahit nga mga program na alam kong walang bleep bleep na tunog pag ginagamit ko, sa kanila e meron.
Meron ding mga pelikula na sobrang gagaling ng mga hacker nila, hindi nagkakamali magtype ng kahit ano, kahit isang character lang. Kahit pa may pressure ng pagsabog ng kung anong bomba. Natataranta sila sa ibang bagay sa paligid pero hindi sa pagta-type. Talagang magaling.
Ang isa naman na parang tanga sa mga pelikula e yung mga ginagamit na password, lahat e nahuhulaan. At talagang puro hula lang. Walang ginagamit na brute force, dictionary method o kung ano pa. Bakit wala akong alam na mga tao sa pelikula na gumagamit ng mga special characters sa password nila para hindi madaling mahulaan?
Alam ko namang pelikula lang ang mga ito. Pero nakakairita talaga haha. Ang hindi ko alam kung maganda o masama e walang mga pelikulang ganito dito sa ‘Pinas. Walang mga writer dito na marunong sa computer hahaha. Puro drama, kakornihan at mga heartthrob na bading sa totoong buhay ang mga pelikula dito. Ayos na din siguro na walang mga pelikula tungkol sa mga hacker (kahit maraming hacker dito sa atin) dahil walang alam sa pagsasapelikula ng ganun ang mga direktor at writer dito. ‘Di ba?
Apir!
Hindi ko alam kung ano na namang pauso ng simbahan ito pero ilang beses na ring nangyari na may nagpaparada dito sa amin ng madaling-araw. Dati e merong parada ng alas kwatro. At nangyari na naman kaninang alas singko. Anak ng tokwa talaga, nakakairita. Buti sana kung simpleng ipaparada lang yung manika na mahaba ang damit e ang problema nito, may banda pa sila. Hindi yung banda na may mga gitara kung hindi yung banda na may isandaang drums at mga xylophone. Tapos ang kasunod nung banda e may nagdadasal ng Ama Namin sa karaoke na puno ng echo. Dito lang talaga ako naka-encounter ng ganitong klaseng parada: yung kelangan e alas singko ng umaga tapos sobrang ingay para mabulabog ang buong subdivision.
Naa-appreciate ko yung paalala na manalangin sa umaga pero kelangan ba na paggigisingin ang lahat ng kabahayan ng ganito kaaga? Hindi naman lahat ng tao e pare-pareho ang pagtulog. Ganito ba talaga ang patakaran? Kailangan e yung sobrang aga? Pwede naman siguro na alas siyete ng umaga, tutal hindi pa naman gaanong mataas ang araw dito nun. At least mas makikita ng mga tao yung parada nila. Hindi gaya nitong parang may kultong nagseseremonya ng pagka-aga-aga.
Sana naman sa sunod ay i-consider ang mga taong natutulog. Hindi naman lahat ng tao e papasok ng sobrang aga sa eskwela o sa trabaho. Merong mga taong nahihirapan makatulog sa gabi. Tapos gigisingin ng ganito. Akala ko tuloy kanina e nananaginip ako na high school ulit at nandun na naman ako sa hulihan ng banda at pinupukpok ang triple drums.
Apir!