right_side

Kategorya

Usapang Porn

Nireklamo noong 20 Mar 2009 sa Mga Tao, Palabas

Ehem!

Oo na, nakapanood na ako ng porn. Potek, lahat ng lalaki nakakapanood nyan. Nagpapasahan pa ng mga movies sa cellphone, sa pc, sa psp, basta kahit anong gadget na pwedeng manood ng pelikula. Kahit nga kalahating pulgada lang ang screen e pagtitiisang mapanood ang iskandalo ni Mahal. Argh!

Pero ang paksa na gusto kong talakayin sa aking napaka-informative na blog ay tungkol kay Maria Ozawa. Kung hindi mo sya kilala (imposible ito kung lalaki ka), siya ay isang sikat na porn star galing sa bansa ng mga wirdong Hapones.

Ang hindi ko lang naman maintindihan e kung bakit halos lahat yata ng mga lalaking nakapanood na sa kanya e nahuhumaling sa kanya. Hindi ko naman masasabi na pangit sya. May itsura din naman. Kamukha ni Angelica Panganiban. Nalaman ko lang kase sa mga sabi-sabi sa paligid na okay sa olrayt daw itong si Maria. May ibang gustong magsangla ng kaluluwa sa diablo ng mga adik sa porn para lang maka-ano si Maria. Pero nung napanood ko sya, wala naman akong nakitang espesyal na performance o kung ano pa. Para ngang nakaka-walang gana e. Kase sya yung tipikal na Haponesang porn star na parang dagang naipit sa mouse trap ang tunog. Sobrang tinis ng boses, tapos walang kalatoy-latoy ang acting habang katalik ng kung sino-sino. Ang naiisip ko lang na dahilan kaya sya gusto ng marami e sa sobrang dami na din ng mga nagawa nyang pelikula, o sabi nga nina Direk RA, Tado at Ramon, mga art films.

Hindi na ako magli-link dito ng video nya. Kayo na ang bahalang humanap. Panoorin nyo kung gusto nyo. Kayo na din ang humusga. Kung isa nga syang dyosa, o isang babaeng nakaka-walang gana.

Apir!

Mano Po

Nireklamo noong 6 Mar 2009 sa Buhay-buhay, Mga Tao

Mukhang pera tayong mga tao. Aminin man natin o hindi, maraming mga pamantayan sa lipunan ngayon ang base sa pera. Isa na dito ay ang pagkuha ng ninong o ninang. Maging sa kasal, binyag, libing, errr… basta.

Dati ay gustong-gusto kong pumunta sa mga kasalan. Masaya ako lagi pag may kinakasal akong pinsan. Ibig sabihin kase nun ay kainan na naman. Pero ang isang bagay na napansin ko dito ay ang mga ninong at ninang. Hindi naman mayaman ang angkan namin pero ang iba kong mga kamag-anak ay mga big time ang ninong at ninang. Minsan ay mayor, asawa ng nagpapatakbo ng jueteng, may-ari ng malaking tindahan, konsehal at kung sino-sino pa.

Makaraan ang ilang buwan (minsan nga ay mga 3 o 4 na buwan lang) pagkatapos ng kasalan ay nandyan na ang panganay na anak. Syempre may binyagan yun. At pag may binyagan, automatic na may ninong at ninang din ang bata. At hindi basta-basta ninong at ninang. Yung mga may trabaho lang dapat. Para pag birthday, Pasko at bagong taon ay palaging may regalo.

Hindi man pera, puro materyal na bagay lang ang kadalasang hangad natin. Nakalimutan na yata talaga natin ang kahalagahan ng pagiging ninong o ninang. Ang responsibilidad ng isang ninong o ninang sa kanyang inaanak ay magbigay ng patnubay, payo o tulong na makakayang ibigay. Hindi dapat ito binabase sa kung magkano ang kayang ibigay o gaano kalaking regalo ang gusto mong matanggap sa birthday mo. Ang dapat na kinukuhang ninong o ninang ay yung may mabuting payo na mabibigay, yung nakatulong na sa iyo sa panahon na may malaki kang problema, o yung sa tingin mo ay maaasahan mo na tutulong sa iyo, pera man o kung anong klaseng problema ang meron ka. Pero kung walang mairegalo sa iyo, o wala kahit maipautang sayo, huwag mo namang tawaging kuripot.

Apir!

Talagang Mali

Nireklamo noong 27 Peb 2009 sa Mga Tao, Palabas

Nakita n’yo ba yung mga nagkakalat na poster ng scandal ni Joey de Leon ngayon? Potek, nung una kong nakita hindi talaga ako makapaniwala sa namalas ko. Nakaka-traumatize! Para bang feeling mo e nahuli mo yung lolo at lola mo na nagkakabayuhan. Ganun kasama. Nakakawala ng pagka-inosente.

Ang mga poster at streamer na tinutukoy ko e yung para sa pagbabalik ng programa sa telebisyon ni Joey na Wow Mali. Sinadya ko na hindi maglagay ng mga larawan dito dahil talaga sobrang “graphic” ng mga nasabing poster. Ayaw kong makita ako ng mga tao na kumukuha ng litrato nun. Shet ayaw ko ngang makita na tinitingnan ko yun e. Sa isang pahapyaw na paglalarawan, isipin mo na lang ang lolo mo na nakahubad at nang-aakit. Oo, ganun mismo. Talagang nakakawalang-ganang kumain. ‘Wag n’yo na pangaraping makita. Talagang mali.

Apir!

Doctor’s Note

Nireklamo noong 24 Peb 2009 sa Buhay-buhay, Eskwela

Mahirap magkasakit ngayon. Kahit lagnat lang. Lalo na kung estudyante ka. O nagta-trabaho rin. Para sa akin, hindi talaga mahirap yung lagnat lang mismo. Madali lang naman yun e. Basta uminom lang ng maraming tubig. Punas-punas ng konti. Inom ng sabaw. Pag medyo mataas talaga e inom ng gamot. Ganun lang kasimple. Ang pangit e yung pagkatapos na ng lagnat at kelangan mo nang bumalik sa eskwela o sa trabaho. Haha ano namang pangit dun?

Ang pangit dun e ire-require ka ng teacher o boss mo ng doctor’s note. Para siguro katunayan na nagkasakit ka nga at hindi nag-outing sa resort sa Bulacan kasama ng mga barkada mo. Kapag lagnat lang naman ang naging sakit mo, hindi mo na naman talaga kailangang pumunta sa ospital para lang magpagamot. Pero ang nakakairita e hahanapan ka ng doctor’s note. Tapos wala kang maipakita. Isipin mo, kung nilalagnat ka wala ka na ring lakas na pumunta pa sa ospital para lang humingi ng katunayan sa doktor na may lagnat ka nga. ‘Tsaka parang tanga naman yun. Ang kailangan mo ay magpahinga at hindi pumunta sa ospital. Shet na-dengue nga ako ng stage 1 e mag-isa lang ako sa apartment.

Siguro e sinasamantala yun ng mga wais kuno na mga estudyante. Pero kahit naman doctor’s note e kaya na ding doktorin. Minsan ‘pag may kakilala kang doktor e pwede kang magpagawa kung gusto mo umabsent. Kaya wala na ring lusot. Badtrip talaga.

Pero sige na nga… Apir!