
Bagaman wala akong telebisyon dito sa bahay, nakakapanood pa rin ako ng balita gamit ang aking kompyuter kaya nalalaman ko pa rin kahit papaano ang nangyayari dito sa Pinas. Isa na dito ang tungkol sa mga panukalang pagbabago sa ating Konstitusyon. Simula pa kay Ramos ay may mga pauso na ang mga presidente na baguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Nitong panahon ni Gloria ay sinimulan na naman ito at isa sa mga nakasaad sa panukala niya ay ibahin ang istilo ng ating gobyerno.
Hindi ako nagmamagaling dahil hindi ko pa din talaga alam lahat ng pagkakaiba sa kasalukuyang gobyerno at sa parliamentaryong gobyerno. Hindi rin naman ako masyadong nagbigay-pansin dito nung hayskul. Ang alam ko lang ay tuluyan na talagang magiging bosing si Gloria pag nangyari yun. At yan ay isang bagay na hindi dapat mangyari. Alam naman natin yung pandaraya na ginawa nya nung nakaraang eleksyon kung bakit sya nanalo.
Hindi ako naniniwala na ang pagbabago sa Konstitusyon ang sagot sa mga problema ng Pilipinas. Kahit sino naman sigurong maliit na tao na may common sense ay alam ito. Minsan naiisip ko kung nakakabobo ba ang maging politiko. O masyado lang talaga silang tanga para isipin na hindi natin mapapansin na ginagago na tayo. Kahit ano pang mga panukala, as in kahit ano, hinding hinding hindi ako maniniwala na mababago ang Pinas pag binago ang Saligang Batas. Ang dapat baguhin ay ang mga may kapangyarihan mismo. Oo, ang mga lintek na yan ang dapat magbago ng mga gawain nila. Ang ating mahal na bansa ay isa sa mga corrupt na bansa sa mundo kaya kahit iba na ang istilo ng gobyerno, ganun pa din ang magiging pamamalakad nito. Ang magbabago lang din ay ang paraan ng panggagago sa mga taong-bayan.
Bakit kase imbes na pagtuunan ng pansin ang mga ganitong walang kwentang bagay e hindi na lang mag-isip na mabigyan ng matinong trabaho ang maraming mga Pinoy? O kaya e bumili ng mga bagong gamit para sa mga paaralan, munisipyo, magsasaka at kung anu-ano pang maliliit na bagay na malaki ang maitutulong sa mga Pilipino. ‘Di ba?
Apir!
Sa pagbaba ng temperatura ngayong umaga ay ganun naman ang pagtaas ng kaba ng ilang libong mag-eexam na mga nars. Ngayong araw na ito at tsaka bukas ang board exams. Dumadagdag pa ngayon malamang sa kaba nila ang pagbuhos ng ulan at posibleng baha sa daan. Kanina lang? nung lumabas ako para bumili ng pagkain ay marami na akong nakasalubong na mga mag-eexam at kasama ang mga magulang? nila (parang greyd wan hahaha).
Hindi pa nakakaraan ang dalawang buwan matapos madagdagan ng apatnapu’t libong bagong nars ang Pilipinas ay heto at halos walumpung libo pa ang gustong dumagdag sa mga nars na walang trabaho sa ospital. Nakakapanghinayang na sa dami ng mga matatalinong bagong nars ay sobrang unti ng mga pinapalad makapasok sa ospital. At kailangan pa madalas ay meron kang kakilala na tutulong sa iyo para lang makapasok ka. Lintek kase ang gobyernong ito, inuuna pang pagusapan ang problema ng mga malilibog na artista kesa sa kapakanan ng mga kabataang nars. Sinasayang lang ang perang pwede sanang gastusin sa mas kapaki-pakinabang na gawain.
Pero dahil ngayon ay hindi panahon para pahinain ang loob ng mga kasama ko sa propesyon na ito, dinadalangin ko na lang na sana ay maging maayos ang karanasan ninyo sa pagkuha ng exam na ito. Kung hindi kayo palarin na pumasa ay mas praktikal siguro na humanap muna ng ibang trabaho dahil kahit pumasa ka naman ay ganun din siguro ang kahahantungan. Tandaan: huwag masyadong dibdibin ang pag-eexam, at siguraduhing may baong Imodium hahaha.
Apir!
Takte, title pa lang inabot na ako ng dalawa’t kalahating oras sa pagtype. Hindi ko alam kung pano nakakamanage yung iba na gAn1+0 mAgZzulAt. At ambibilis ha. Kahit saan media mo padaanin: keyboard, cell phone o papel e talagang mabibilis pero nakakairita ng sobra. Talento na sana kung may magandang naiidulot ang ganitong paraan ng pagsusulat pero wala nang ibang hatid ito kundi ang magpainit ng ulo sa maraming taong gaya ko.
Madalas makita ang ganitong paraan ng pagsusulat sa mga social networking websites. At karamihan sa mga taong nagsusulat ng ganito ay a) bakla, b) maarte, c) feeling shushal, at ang applicable sa lahat: d) kasapak-sapak. Mapapansin na sa mga nagsusulat ng ganito ay nag-iinasal batang pakyut ren ang iba.
Kukunin ko bilang halimbawa ang isang lalaki? na nakita ko sa frenster. Bagaman naka-private profile? itong si… ewan ko ba kung anong pangalan nito… ay may nakita naman akong comment na pinost nya sa isa nyang kaibigan: uxTaH nA? Hehe PdaAn LnG f0e?’. Hindi ko gawa-gawa yan ha. Copy-pasted yan sa actual na mensahe n’ya sa frenster, kase hindi ko maisip sa sarili ko kung paano naging ganyan ang simpleng-simpleng pangungumusta lang. Kumbaga sa spoken version e nagboboses bata ang hinayupak na ito. At sa kanyang status message ay ganito ang mababasa: “?’-._PUTANG INA MO BITCH MANGAAGAW KA..SARILING GIRLFRIEND KO INAANGKIN MO NA..PUTA KA AN0 BNG KASALANAN KO ..UKININAM GNAWA MO XANG LARUAN =’c_.-’?” Imbes na maawa at naagawan ng shota e natawa ako dahil naisip ko na nagpaagaw talaga yung babae dahil tingnan mo naman kung gaano kabakla itong isang ito. Emong-emo si gagu hahaha.
Sa aking obserbasyon, ang kaartehang ito ay naimpluwensyahan din ng tinatawag na text lingo. Pero hindi pagpapaikli o pagcoconserve ng space ang habol ng mga taong ganito kundi ang magpaarte pa lalo. Minsan ay nakakatanggap din tayo ng mga ganitong tex at para sa akin ay mabisa itong pampainit ng ulo. Parang bigla na lang akong mapapatigil at maiisip na may sinasaksak sa lalamunan.
Salamat pala kay Ian sa pag-sugges ng topic na ito. Apir!
Alam ko hindi n’yo pinapansin at wala lang sa inyo ang mga bagong usong pantalon ngayon. Baka nga meron din kayong ganito. Hindi ko alam kung uso ito sa ibang bansa dahil wala akong makitang picture sa google pero dito sa Maynila e marami akong nakikitang nagsusuot ng ganitong pantalon. Ito yung mga pantalon na karaniwan ay maong na gusot-gusot kunyari pag binili mo. Design na n’ya yun. Dahil “astig” daw kapag ang suot mong pantalon e ragged at para kang carefree (with wings?). Iba’t-ibang design ng pagkagusot ang mga pantalon. Merong nasa bandang tuhod lang, meron sa may dulo at merong buong pantalon e parang isang taong naupuan ng elepante sa gusot.
Sa isang banda, yung mga pantalong talagang natural ang pagkagusot e hindi masyadong gusto ng mga tao. E kase ba naman e karaniwan sa ganitong mga pantalon e matagal na hindi nalalabhan. Madalas kase yung mga nagsusuot nito pagkatapos suotin e itatambak sa isang sulok tapos pag may lakad ulit e pupulutin na lang para isuot ulit. Kaya bukod pa sa talagang gusot e marumi pa.
Ang naisip naman ng matatalinong tao sa bengch ay gumawa ng pantalon na “badass” ang dating pero pasado pa ren sa standards ni Lumen at ni Aling Oba. May mga “astig” na gusot na, may mga konting design na dumi-dumi pa. Para mukhang badass ka talaga. Pero ang hindi alam ng mga tao ay malinis pa sa bagong hugas na plato ang pantalon mo.
Magaling nga ang ideyang ito ng kung sino mang empleyado ng bengch dahil may pagkakataon na din na magsuot ng mga malulupet na pantalon ang mga karaniwang tao na datirati ay naisusuot lamang ng mga taong dugyot at tamad maglaba gaya ko. Ngayon kahit metikyuloso ka sa linis ng damit mo ay pwede ka ring magsuot ng pantalon na ganito. Para astig. Kahit mukha ka talagang posero.
Apir!