Nireklamo noong ika- 8 ng Jul 2009 sa Tugtugan

Jologs Theme Song

Mahilig tayong mga Pinoy sa kantahan. Marami tayong magagaling na mga musikero dito sa ating bansa at marami sa kanila ay yung mga hindi nabibigyang pansin. Mas madalas kase ay trip ng masa yung mga jologs na kanta gaya ng mga tinutugtog sa wowowee. Dahil dito ay mas pinapaboran ng mga producers kuno ang mga banda o musikerong hindi naman magaling gumawa ng kanta pero bumibenta ang mga komposisyon sa masa. Kaya nagiging tanga na lahat: ang musikero, ang producer, at ang mga nakikinig. Paikot-ikot lang ang siklo nyan.

Isa sa mga partikular na nakakadungis ng magandang imahe sa industriya ng musika ay yung mga musikero kuno na ninanakaw ang mga tono ng kantang Ingles at ginagawan ng lirikong Tagalog. Wala man lang bahid ng pagkamalikhain ang ganitong paraan ng paggawa ng kanta pero bentang benta sa masa dahil sobrang baba na ng standards ng karamihan sa mga Pinoy. Naunang naging jologs yung kumanta tapos ng mapakinggan ng masa e nagising ang pagiging jologs nila. At dahil benta ay naisip ren ng jologs na producer na mga ganitong tipong basura na lang ang popondohan. Buti pa ang mga jologs kumikita.

Kamakailan ay pinalabas din sa programa ni Jessica Soho ang tungkol dito.? Kung hindi n’yo napanood, pwede pa makita dito ang video. Sa pagkakapresenta sa dokumentaryo ay pabor sila sa ginagawa ng mga ganitong kanta dahil sa aliw factor. Pero natuwa ako at umayon sa sinabi ng magaling na musikerong si Noel Cabangon na hindi talaga nakakatulong ang ganitong mga artista sa ating bansa. Unang-una, mga kantang banyaga ang pinagbasehan ng lahat. At wala talagang creativity. Hindi ko alam kung paano naaaliw ang mga tao, halimbawa dun sa lecheng kantang Banana na revived version kuno ng kanta ng kung sinong rapper sa Amerika. Pero pakiusap, kung maganda ang araw/gabi mo ngayon wag i-click ang huling link na binigay ko.

Sa palagay ko, hindi na magbabago ang ganitong pananaw ng mga Pilipino. Sa bagay, easy money ren kase yung ganito. Pero jologs pa ren talaga, takte hindi ko mapalampas ‘to. Minsan nga naiisip ko: mabuti pa si April Boy, gumagawa ng sariling tono kahit jologs pa ren. At least ginamitan ng konting utak yung mga kanta nya. ‘Di ba?

Apir!

Nireklamo noong ika- 4 ng Jul 2009 sa Salita

Pota U

Maliban sa mga maaarteng magtype at magtext, isa pa sa mga lubos na kinaiinisan ko yung mga taong gumagamit ng u at me sa pagtetext. Ewan ko, basta sobrang nakakairita. Isa sa mga classic examples na pinopromote pa ng smart ngayon ay ang “Wer na u?” at “D2 na me.”

Naaalala ko na nung magsimulang mauso ang text lingo na Pinas version e naglabasan na ren ang mga issues sa paggamit ng mga pinaikling salita dahil pwede daw maging bobo ang mga bata. E kahit naman matatanda e mukha talagang bobo pag gumagamit ng mga ganun. Hindi naman talaga ako tutol sa paggamit ng mga pinaikling salita para sa pagtetext dahil naiintindihan ko naman na limitado ang mga letra na pwedeng ilagay sa mga text. At isa pa, nakakatamad ren na buong salita yung ita-type mo sa keypad ng selpon. Ako ren minsan e ginagawa ko yung mga pnaiklng slta pg ngttx ako, llo n pg ngmmdli o tntmd.

Parang tanga kase pag ganun ang sinabi sayo kahit pa text lang yun. San u gus2 kumain? Sa impyerno gusto mo?! Sori, hnde me mkksama sa outing ngaun. Mabuti naman kung ganun, baka matiris lang kita! Hindi ko talaga nirereplyan kapag ganito ang istilo ng pagtetext sa akin. Burado na agad ang mensahe pag may nabasa akong ganito.

Ngayon kase hindi na ren naman talaga sa pagpapaikli ng text ang dahilan kung bakit laganap na ito.? Naging uso na ren kase, naging habit at mannerism na ng mga illiterate na Pinoy ang paggamit ng u at me bilang pamalit sa ikaw at ako. Ito na siguro yung isa sa kinatatakutan dati na pinalabas sa tv na magiging bobo sa grammar ang mga Pinoy kapag nagpatuloy pa itong text lingo na ito. Kaya kung gusto n’yong sumagot ako pag nagtex kayo, siguraduhing wag gumamit nyan. At padalhan pala muna ako ng load, k?

Apir!

Nireklamo noong ika- 23 ng Jun 2009 sa Intarnets

Stable? Parang Yung Tirahan ng Kabayo?

So ilang buwan ko ren tiniis ang constant reminder ng wordpress na mag upgrade ako sa pinakabago at pinakamagandang bersyon nila. Hindi kase ako yung taong palit ng palit eh, pag komportable na ako sa isang bagay e mahihirapan na ako magpalit. Medyo immature pero ganun talaga. Pero nung mga nakaraang araw e narelease yung mas bago pa sa pinakabago nilang bersyon. Naintriga naman ako kaya sinubukan ko nga iupgrade kuno itong blag blagan ko. Natuwa naman ako sa itsura ng backend. Malaki ang pinagbago ng admin panel. Kahit medyo hindi sanay ay natuwa na ren ako dahil mas mukang web 2.0 ang dating.

Tapos eto na, nung na-clear ang cookies ko eh nagsimula na ang mga milagrong hindi ko alam na kasama pala ng pag upgrade. Hindi ko na ngayon mapasok ang admin page. Napraning naman agad ako at puro pagsisisi na agad ang pumasok sa utak. Hanggang sa tuluyan na masira kahit naka disable na lahat ng plugins at kung anu-anong shit na ginawa ko. Napilitan tuloy akong ibalik ang lumang bersyon at irollback ang database. Kamalasan ko lang hindi gaanong updated ang aking latest database kaya maraming mga komento ren ang nawala. Shempre sayang yun. Ang mga komento nyo kase ang nagpapatunay na may nagbabasa nga ng mga reklamo ko dito kahit papaano.

Hay nako, sana matuto na ako ng leksyon na magtiwala sa sariling instincts.

Wapak!

  • Comments Off
Nireklamo noong ika- 15 ng Jun 2009 sa Bayan

Kayo Mismo

Oo, hindi ako kasali. Nagiging fashion trend na lang yang pagsusuot ng dog tag na pauso ng akomismo.org. Akala ko pa naman dati e gugustuhin ko yan. Ginawa lang nilang astig ang kulay dahil pula at itim, parehong paborito kong kulay dati pa.

Nagsimula ang pagsusuot ng nasabing dogtag noong Araw ng Kalayaan. Nagpa-concert ang Ako Mismo (ng mga overrated na banda) at doon ay nagbenta sila ng ilang libong dog tag para sa mga Pilipino na namamanatang may gagawin daw para sa ikauunlad ng Pilipinas. O kung ano man yung panata nila.

Nung una kong nakita yung website ay mukhang ok nga naman. Nagpakita sila ng mga Pilipinong nakagawa ng mga bagay na ikararangal ng mga kapwa Pilipino. Tapos sumubok din akong gumawa ng panata. Pero nung dapat ilalagay ko na kung ano ang panata ko, wala akong maisip. Nakatigil din ako ng ilang oras pero wala talaga. Hindi ko na lang tinuloy. Pero pansin ko na marami talaga ang tumangkilik sa gimik na ito. Sa mga forums na napupuntahan ko e ginagawa nila itong signature, nilalagay din sa sidebar ng kanilang mga blogs, at kung saan-saan pa pwedeng ipagmayabang.

Tapos nauso na itong dog tag noong nakaraang linggo. Nung araw na unang lumabas ito ay sangkatutak na agad ang may suot. Shempre bagong-bago e kaya benta sa masa. At mukha kang cool pag suot mo ito, dahil red at black. At pag suot mo ren ito, makabayan ka. Pero hanggang dun na lang yun. Yung iba nga wala naman talagang panata eh. Hindi alam kung ano ba ibig sabihin nitong Ako Mismo. Basta nabalitaan lang na may cool na dog tag na uso ngayon kaya nagpabili na ren sa mga kakilala nila. Sus.

Nakikita kong maganda ang sense ng pakanang ito. Pero yung paraan na ginamit nila ay para lang kumita ng pera at magpasimuno ng bagong standard sa fashion trend. Sa sunod e gaya-gaya na lang din to, parang ganun lang sa nangyari sa mga shirt ni Francis M. Balita ko nga e meron na agad binibenta sa Recto nung araw na lumabas yung mga dog tag. Tsk tsk mga Pinoy talaga. Masabi lang na cool, kahit magpaka-ipokrito, basta “in” sa paningin ng karamihan. Ayokong sumali dyan. Kayo na lang.

Apir!

Boy Bati

Kumusta? Mabuti naman kung ganun. Ako si boy batikos. Boy bati for short. Salamat sa pagbisita sa blag-blagan ko.

Ang mga sinusulat ko dito ay laman lang lahat ng utak ko at pawang mga opinyon ko lang. Kung may natatamaan sa inyo, I'm not sorry. Pumalag na lang kayo kung gusto n'yo.


Boto Na!

Maghalungkat

Mumunting Reklamo

Makigulo Na


Iba Pang Reklamo

Mga Kategorya