
Hindi ko alam pero parang nakalaklak ako ng limang kahong Rogin-E ngayon. Parang gusto kong tumakbo ng hubo’t-hubad sa EDSA, tapos may kasabay na kabayo. Tapos may mga lava flow sa kalsada at may fireworks at kung anu-anong special effects. Dahil kaya Halloween na? Hmm…
Speaking of Halloween, panahon na naman ng katatakutan. At pasensya na sa mga natakot sa mga sinabi ko sa unang talata. Hindi naman talaga sya nakakatakot. Pero disturbing yung mga larawang pumasok sa isip ko hahaha.
Usong-uso ngayong Halloween ang mga bagay na may kinalaman sa kung anu-anong kasamaan. Nandyan yung dugo, mga nasaksak, kalansay, mga maligno, multo, kaluluwa, demonyo, kamatayan at kung anu-ano pang nakakapangilabot na mga larawan. Tapos ang karaniwang batian sa ganitong panahon ay Happy Halloween! Medyo ironic ang dating nya. Dahil hindi naman talaga masaya yung mga bagay na nakakatakot. Pero siguro ay paraan nating mga tao yun para bawasan yung takot na nararamdaman sa mga ganitong bagay. Kumbaga, dinadaan na lang natin sa tawa ang mga bagay na nakakapangilabot sa totoong buhay. Bagama’t hindi ako naniniwala sa mga multo ng mga mahal sa buhay na namatay na nagpapakita na lang sa kisame ng kwarto mo habang natutulog ka, naa-appreciate ko naman dati ang panahong ito. Madalas kase akong maglagay ng eye liner dati para hindi halatang maitim ang mata ko dahil lang sa kapupuyat. At pag Halloween na, hindi na ako tinatanong ng kung anu-ano ng mga kaibigan ko dahil iisipin na lang nila ay dahil ito sa Halloween.
Pero para naman sa mga musmos, kung hindi trick-or-treating ang naiisip nila ay puro mga masasamang pangitain. Unang-una, nakikita nila itong mga dekorasyon sa paligid na puro ka-morbid-an. Tapos ang mga palabas sa TV ay puro horror. At sa mga mas malas e meron pang gumagawa ng prank stunts kaya lalong natatakot ang ilang mga bata. Ginagamit din ito ng mga magulang para mapasunod ang mga bata sa kanilang kagustuhan. Hayang sasabihin na magpapakita ang mumu kapag hindi kumain ng marami. Hindi nila alam ay nadadala ito ng mga bata hanggang sa paglaki. Ang inaakala natin na simpleng panakot lang sa mga bata ay nagiging dahilan din ng pag-iiba ng kanila kilos dahil nakakaapekto ito sa kanilang pag-iisip. Yung iba e nakakalimutan ito habang tumatanda pero merong iba na sa ganitong bagay nagsisimula ang mga kawirduhan sa paglaki. At kahit ikaw siguro e ayaw mong sumusunod ka lang sa kagustuhan ng isang tao dahil takot ka. Sos!
At bago ko itaas ang aking kamay, pakinggan n’yo muna ang Super Special Episode Halloween Edition sa John Lloy Radio Show. Dahil pogi ang mystery horrorspoke reader nya hahaha. At panalong-panalo ang Banal na Sandali ni Gad.
Apir!
WP Cumulus Flash tag cloud by Roy Tanck requires Flash Player 9 or better.
Palag ka?